
Hello! I’m Mark,46 years old, nagsimula lahat ng ito 20 years ago.
Ako non ay isang general manager sa isang clothing company sa Taguig sa loob ng isa’t kalahating taon. Pumapasok ako araw-araw sa trabaho sa pamamagitan ng pagcocommute sa tren. Pero isang araw habang nasa tren ako, may girl non sa harap ko na nakatayo at halatang hirap na sa pagtayo. Ako non ay naawa kaya siya ang pinaupo ko at ako na lang ang tatayo. Una, nahiya pa siya pero napilit ko din na siya na ang umupo at nagpasalamat sa akin. Habang nakatayo ako,napatitig ako sa kanya at napagmasdan ko na ang ganda pala ng mata nya at nagkataon napatingin sya sa akin at ngumiti. Dahil sa ngiti nyang iyon ay parang sumaya ako at ‘di ko mapaliwanag kung anong saya ang nadama ko non. Nong nasa istasyon na kami, nakasabay ko syang bumaba at nagpasalamat ulit sa akin at kami ay tumungo na sa kanya-kanyang patutunguhan.
Nang pagkababa ko sa bus naglakad pa ko patungo sa aming office at shocks, nasa kabilang side ng daan yung girl na nakasabay ko sa tren. At nang nasa harap na ako ng aming office tinignan ko ulit sya sa huling pagkakataon at nasupresa ako! Nagtatrabaho pala sya sa gusaling kaharap ng office namin at sa pagkakataong iyon e parang sumaya ulit ako tulad nung sayang nadama ko kanina sa tren.
Habang nagtatrabaho ako,sumsagi siya sa aking isipan at natatanong ko sa sarili ko kung kailan ko ulit sya makikita muli.Ngunit dumaan ang mga araw at ‘di ko na sya muling nakit. Ngunit ‘di ako nawalan ng pag-asa na makita syang ulit.
Nagkaroon kami ng 5 days seminar sa Baguio noon at sa ‘di inaasahang pagkakataon muli ko syang nakita. Bago mag-umpisa ang seminar non, nagkaroon ako ng pagkakataon para kausapin sya at ‘di naman ako nabigo, kinausap nya din ako. At nakikilala pa pala nya ako, kaya napangiti ako sa mga oras na ‘yon. At nagkaroon ako ng pagkakataon para tanungin sya kung ano pangalan nya at ‘di naman ako nabigo. Habang humahaba ang aming usapan lalo ko sya nakikilala at ang gaan ng pakiramdam namin sa isa’t isa. Magkatabi kami ng upuan ng mag-umpisa ang seminar.
Niyaya ko syang kumain pagkatapos na pagkatapos ng seminar at pinaunlakan naman nya ako. At ayun naging close kami sa isa’t isa at bago matapos ang seminar namin e niyaya ko syang mamasyal. Habang namamasyal kami binigyan ko sya ng isang rose at sinabi kong “thank you”. Napansin ko na parang nahiya sya non na binigyan ko sya ng bulaklak. Pero “di naman yun naging hadlang para maging masaya ang aming pamamasyal. At bago kami maghiwalay at umuwi nagpalitan, kami ng cell number upang ‘di kami mawalan ng contact sa isa’t isa.
Pag kabalik namin sa Manila, tinext ko siya agad at kinamusta kung nakauwi na ba syaat kung ano ang ginagawa nya. Nagreply naman sya na nakauwi na sya pero may bad news daw na sumalubong sa kanya. At ang bad news ay namatay ang kaniyang ama kaya nangangailangan sya ng masasandalan sa mga oras na yon dahil siya nalang at ang nanay nya ang natitira dito. Kaya bilang kaibigan, ‘di ako nag-atubiling samahan sya sa mga panahong nasa kalungkutan sya. At upang matulungan din sya sa mga problema nya e, nagdesisyon ako na magleave muna sa aking trabaho hanggang sa masolusyunan namin ang kanyang mga problema.
Nang matapos at mailibing ang kanyang ama,naging maayos naman ang lahat ngunit ‘di mo maaalis sa kanya ang kalungkutan dahil sa pagkawal ng kanyang mahal na ama. Ako naman bilang isang kaibigan ay gumawa ng paraan para mapalitan ng ngiti ang kanyang kalungkutan. Niyayaya ko syang lumabas pagwala sya masyadong ginagawa para mapasaya ko sya. Pumupunta kami sa mga malls,resto,parks at minsan nag -a-out-of-town kami kasama mga kaibigan namin.
At ‘di naman ako nabigo na pasiyahin sya ngunit habang tumatagal nahuhulog ako sa kanya kaso takot akong malaman niya at baka masira ang aming pagkakaibigan. At dumaan pa ang mga araw lalo lang akong nahuhulog sa kanya at dumating ang pagkakataon na habang nasa Tagaytay kami upang magbakasyon. Habang nasa Tagaytay kami nagplano ako upang magtapat sa kanya. Nagpunta kami sa isang botanical garden na kinausap ko para dun ako makapagtapat.
Habang nasa gitna kami ng garden at napapalibutan ng maraming bulaklak at mga paru-parong lumilipad sa aming paligid ako’y lumuhod sa kanyang harapan na sinabayan sa saliw ng “Go to Believe in Magic” na kanta, ako’y nagtapat sa kanya ng aking pagmamahal. Habang tinititigan ko sya sa mata ‘di nya napigilang mapaluha at ‘di makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ‘yon. Hinawakan nya ang aking mga kamay at dahang dahang tinayo mula sa aking pagkakaluhod at binulungan nya ako ng salitang “OO” at sa oras na ‘yon di ko din mapigilang umiyak at niyakap sya ng mahigpit habang may tumutugtog pa rin. Inalis nya ang kanyang pendant at pinakita ang nasa loob nito at ako’y nabigla sa aking nakita. Naroroon ang mga talulot(petals) ng rosas na ibinigay ko sa kanya sa Baguio at sinabi nya sa akin na mahal na mahal nya ako kaya niiyakap ko ulit sya.
Sa aming pag-uwi,saya at ngiti ang aming dala mula sa Tagaytay. At upang maging pormal ang lahat ng ito’y pumunta ako sakanila upang sabihin sa kanyang mahal na ina ang lahat ng nangayari at ‘di naman sya nagalit o laban sa akin. Bagkus suportadong suportado nya ang aming pagmamahalan.
Lumipas ang anim na taon at naging maayos ang aming pagsasama. Dumaan ang iba’t ibang pagsubok sa aming relasyon na lalong nagpatibay sa amin.
Agosto ng taong kasalukuyan noon, ako’y may isang European tour na kailangan puntahan at naisip kong isama silang dalwa ng kanyang ina. Habang nasa Europe kami eh nagbonding kaming tatlo ,kumain,namasyal at bumilibili ng mga gamit. Isang araw habang sa hotel kami at maaga akong nagising, kinausap ko ang kanyang ina tungkol sa pagpopropose ko sa kanyang anak. Tinulungan nya ako sa plano kong ito, bumili kami ng singsing na may nakaukit sa labas na “i love you” at sa loob na ” you and me forever”. Ika-16 ng Agosto, dapit-hapon(sunset) na non, niyaya kong pumunta sa Eiffel Tower si Jane para mamasyal pero di nya alam ako’y magpopropose sa kanya. At dumating na ang oras na aking pinakahinihintay at ako’ lumuhod sa kanya kahit na maraming taong naroon noon. At nasambit ko sa aking mga labi ang mga salitang “Jane,Will You Marry Me?”. Sa mga oras na yon nahihiya si Jane at di alam ang sasabihin dahil na rin siguro sa dami ng taong nagtitinginan sa amin. Pero ‘di nya ako binigo at ng dahil sa mga salitang “OO” na galing sa kanyang mga labi ako’y napasigaw sa saya at sumigaw ako ng paulit ulit ng mga salitang “I love you Jane!”
Nagtapos ang aking European tour na masaya at sobrang saya!!! Pagkauwing pagkauwi namin ako’y nagplano agad ng mga bagay na aming maaaring gawin bago kami ikasal. Dahil ako noo’y presidente na ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan kaya nakapag ipon ipon na ako. Kaya naisipan kong magkaroon kami ng Philippine tour. Pero ‘di nya alam na sa huling lugar ng aming destinasyon kami ay ikakasal na. Sumang-ayon naman ang lahat sa aking plano at sa isang beach sa Calatagan,Batangas naghihintay ang isang altar at ang aming mga kaibigan at ang aking magulang at kanyang ina. Sa ikatlong pagkakataon,napaiyak ko sya dahil sa galak at pagkabigla. Habang sya’y patungo sa altar sinabayan sya ng araw sa paglubog. At sa mga oras na yon, yun na ang pinakamaligayang oras sa talang buhay ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong galak ang aking nadarama sa mga panahong iyon…..Siguro weird man, pero nagawang kong mapasayaw sa harap ng aming mga mahal sa buhay non.
Ngayon kami ay namumuhay na ng payapa sa Batangas at may tatlo ng anak, sina Gabe, Daniel at Angel Ann! At ako na ang may ari ng aming sariling kumpanya at nasa bahay na lang si Jane para alagaan ang aming mga anak.
Pero di parin namin nakakalimutang mamasyal lalo na sa mga lugar na parte na ng aming buhay!
(This is just my own imagination. I hope you love this story. It’s justmy 1st story.)
No comments:
Post a Comment