Sunday, January 20, 2013

Hintay

Naranasan ko ng layuan,
Naranasan ko na ring Iwanan.
Nag-iisa sa buhay,
Napakalamlam ng kulay!

Sa bawat paglalakat
Wala mang makasabay.
Tila ako lang ang tao sa mundo.
Walang makausap kahit sino.

Sa pagsapit ng gabi,
Pinagmamasdan ang mga tala
Nanalangin na sanay,
Ika'y dumating!

Ako'y maghihintay.
Maghihintay sa araw ng pagdating.
Ako'y maghahanda
At maghihintay ng panghabang buhay!

Friday, January 18, 2013

Kamalian

Ang buhay ay puno ng pagkakamali.
Pagkakamaling sanhi ng malinh pagpili
Maling pinipilit iwaksi.

Mga kamaliang naglubog sa kadiliman,
Kamaliang pinipilit wakasan,
Kamaliang pilit sinosolusyunan.

Sa bawat likod ng kamalian
Ay may natatagong dahilan
Kung bakit ito'y nasakatuparan.

Sana sa muling pagpili,
Mali'y 'di na mapili.
Sana ang luha ay mapawi
At mapalitan ng mga ngiti!

Aming Dakilang Ama

 Sa bawat paggising,
Almusal ay dalangin.
Laman ay pasasalamat at hiling.
Nawa'y IYONG dingin.

Kahit iba't -iba man,
Ito parin ay IYONG nauunawaan.
IKA'y dakila.
Dakilang tunay at totoo.

Sa oras ng kadiliman,
IKAW ang aming liwanag
Na nagbibigay ng bagong pag-asa
Sa buhaynawalang patutunguhan.

Ang aming pasasalamat ay 'di sapat
Sa mga biyayang walang katapat.
Ngunit 'di kami magsasawang purihin at dakilain ka,
Aming dakilang AMA.