Written by:Ariel Garcia
Marso, dalawang linggo bago magtapos sa sekondarya sina Mark. Sa mga panahong iyon ay napapaisip si Mark kung magpapatuloy sa pagkokolehiyo. Sa uri ng pamumuhay nila ay nag-aalangan na siyang ituloy ang pangarap nyang makapag-aral. Naisip nya na hihinto na lamang ito at tutulungan ang kanyang ama sa pangingisda.
Nagkaroon siya ng lakas ng loob para ipagtapat ang kanyang plano hinggil sa kanyang paghinto at pagtulung na lamang sakanyang mga magulang.Nang marinigito ng kanyang ama ay napaluha ito at nangatwirang:
"Anak,ako'y nagpapasalamat na ikaw ang aking anak ngunit 'di ako papayag sa ninanais mong yan.hindi nangangahulugan na mahirap tayo ay 'di ka na rin mag-aaral. Ito lagi mong tatandaan anak, HINDI MAHALAGA KUNG ANO KATAYUAN NATIN NGAYON ANG MAHALAGA AY MAKAMIT MO KUNG ANO PINAPANGARAP MOAT NAWA'Y KAMI'Y MATULUNGAN MO DIN."
Mga salitang nagpaluha sa binata at napayakap sa mga sinabi ng ama at nangako na 'di nya ititigil ang pag-aaral namag-aahon sa kanila.
Habang nasa paaralan si Mark ay nangutang ang kanyang ama ng pera para magamit nya sa pagpasok sa kolehiyo.At doble kayod sa pagtatrabaho upang makapag-ipon para sa anak. Habang dumadaan ang mga araw at papalapit ang pagtatapos nina Mark ay tuloy lang sa pagkayod ang mga ito.
Sa araw ng kanyang pagtatapos ay binigyan nya ng karangalan ang kanyang mga magulang. Siya ang nanguna sa buong klase nila at sa karangalan niyang nakuha ay ginawaran siya ng parangal at pinagkalooban na maging iskolar ng isang unibersidad sa Maynila.
Sa mga nangyari at biyayang pinagkaloob sa kanya ay parang nagbigaylalo ng liwanag sa kanyang mga pangarap. Ang kanyang mga magulang ay galak na galak sa mga pangyayari na natatamasa ng kanilang anak.
Habang panahon ng bakasyon ay tumutulong si Mark sa kanyang ama na pumalaot at manghuli ng isda. Siya narin muna ang nagbebenta nito sa bayan upang maging salapi ang mga ito.
Lingid sa kanyang kanyang kaalaman ay nag-iipon ang kanyang mga magulong para sa gagamitin nya sa Maynila. Lumipas lang ng ganun ang mga araw ng wala syang nalalaman.
Gabi bago siya umalis ay kinausap siya ng kanyang ama.
Ama:Mark,alam mo ba na kung siguro 'di ako mangingisda ngayon baka abogado na ko.(sabay ngiti)
Mark:Pano po?
Ama:Nang mamatay ang lolo mo, kumayod na ako ng sarili ko upang di maging pabigat sa lola mo. Kaya yun, nauwi sa isang mangingisda.
Mark(pinagmamasdan lang ang ama habang nagsasalita)
Ama:Pero masaya ako na naging mangingisda ako!
Mark: ahh? Bakit naman po??
Ama:Dahil sa inyo!
Mark:ahh??
Ama: Kung sigurong abogado ako ngayon baka di kita anak,baka di ko asawa mama mo.. Kagandang lahi pa naman natin(sabay tawa)
Mark(tahimik at nakuha nya ibig sabihin ng kanyang ama)
Ama:oh bukas na alis mo nyan, anoinaayos mo na ba mga gamit mo?
Mark(tahimik parin)
Ama: oh nasan ang kamay mo? (kinuha ang salaping na ipon at nilagay sa kamay nito)
Ama: Alam ko naman na 'di sapat 'to pero sana magamit mo ito sa Maynila! Mag-iingat ka doon ah.. Sulat ka lang sa aminha.. para 'di kami mag-alala...
Mark: Tay,Salamat po talaga sa mga ito.'Di ko po kayo bibiguin.Gagalingan ko po.
Ama: oh siya pasok muna ako ha. Sa kit kasi nga tyan ko e.( upang matago lang ang luhangtutulo mula sa mga mata)
ITUTULOY........
No comments:
Post a Comment